Thursday, March 7, 2019

Reflection

"Lahat ng bagay may hangganan." Masakit tanggapin lalo na kapag napamahal ka na sa bagay na iyon pero kailangan. Ito na siguro ang huling artikulo na aking susulatin. Huling markahan na ito at huling buwan ng  pagiging Grade 10 student ko.

Masasabi ko na sa huling markahan na ito, may natutunan ulit ako tungkol sa photoshop. May mga ilan lang na hindi ko naintindihan pero ayos na rin. Napag-aralan na namin ang photoshop noong nasa ika-walong baitang kami. Nakalimutan na namin iyon ngunit sa baitang na ito, naipaalala ulit sa amin ang mga ito. May tulong din ito para sa kinabukasan namin. Siguro kakailanganin din namin ito sa susunod pang yugto ng aming buhay.

Masakit isipin na ito na ang huli. Ngunit masasabi kong naging masaya ako.

No comments:

Post a Comment