Ayon sa pinag-aralan namin sa EsP, walang nakakaalam ng kinabukasan ng isang bata. Walang nakakaalam pero maaari natin silang gabayan patungo sa magandang kinabukasan. Alagaan natin sila nang may pagmamahal. ‘Wag nating hayaang mawala ang kanilang landas. Habang bata pa sila, turuan natin silang maging mabuti nang sa gayon, mapatunayan natin ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Wala sa mga bata ang dahilan kung bakit sila napapariwara. Nasa mga magulang ito. Kung mabuti ka, mabuti din sila. Kung magalang ka, magalang din sila. Kung marangal ka, marangal din sila.
Mahalin natin sila katulad ng pagmamahal sa atin ng ating mga magulang. Tayo ang magsisilbing role model sa kanila.
Mahalagang bigyan natin ng sapat na atensyon ang mga bata upang lumaki sila ng mabuti at tama. Napakagandang artikulo Jahn!
ReplyDeleteIsang magandang artikulo ang iyong isunulat. Magsilbi kang role model sa mga bata dahil alam kong ikaw ay may mabuting kalooban at walang sinusukuan.
ReplyDelete