Karamihan sa mga tao ngayon,
lengwahe na ang basehan ng katalinuhan. Kapag magaling ka sa iba't ibang
lengwahe lalo na sa ingles, ibig sabihin matalino ka. Sa isang silid
aralan, kapag kaya mong deretsuhin ang magsalita sa lengwaheng ingles, ibig
sabihin ikaw ang pinakamagaling, ikaw ang pinakahinahangaan. Ngunit hindi natin
napapansin, bakit may mga salita tayong alam sa ingles pero hindi natin alam sa
tagalog? Hindi kaya dahil sa mas pinag-aaralan natin ang ingles kaysa sa
pambansa nating wika? Bakit? Dahil gusto nating maging astig sa paningin ng
ibang tao? Dahil gusto nating maging kahanga-hanga?
Para sa akin, mas kahanga-hanga
yung mga taong kaya nang mag-ingles, magaling pa sa wikang Filipino. Malaking pakinabang
kung magaling ka na sa Filipino, magaling ka pa sa iba’t ibang lengwahe. Paano?
Dahil maaari mo itong ituro sa mga hindi marunong. Maaari mo itong ipalaganap.
Sa ating mga Pilipino, imbes na
ang pokus natin ay pag-aaral ng ibang wika, bakit hindi natin ipalaganap pa ang
wikang Filipino? Maraming matatalino sa atin, maraming pilosopo sa bansang
Pilipinas, marami ring mananaliksik. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong
taon na ito, ang layunin natin ay ipalaganap ang wikang Filipino. Gamitin natin
ang talino natin upang ipagmalaki an gating bansa.
Ipagmalaki natin na tayo ay
Pilipino!
JAHN VERY NICE
ReplyDelete