Ang tema ng Filipino Values Month Celebration ngayon "MAPANURING PAGGAMIT NG GADGET: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at
Kapwa" ay paalala sa atin na ang gadget, mas magiging mahalaga kung gagamitin
para mapalalim pa ang ugnayan sa pamilya at sa kapwa. Kaya nga naimbento ang
gadget para sa komunikasyon. Sa atin kasi, ang gadgets, ginagamit na lang natin
para sa facebook, twitter, instagaram at iba pa.
Ang layunin ng selebrasyon ngayon ay patatagin pa ang
samahan natin mula sa ating pamilya pati na rin sa ating kapwa. Huwag nating
hayaan na sirain ng gadget ang ating pagsasama. Kasi minsan, sa ating mga millennials,
kapag nasimulan na nating gamitin ang ating gadgets tulad ng cellphone, laptop,
o computer, hindi na natin pinapansin ang mga taong nakapaligid sa atin. O kaya
minsan, kapag nag-aaway ang dalawang tao o higit pa, dinadaan nila sa paggamit
ng gadget, sa social media, o kaya naghihiwalay ang mga magkakasintahan,
dinadaan na lang nila sa text. Kaya ang tema ngayon ay paalala na ang gadget ay
para mapatatag ang samahan hindi para sirain ito.
Maaaring tayo ang dahilan ng pagkasira ng ating relasyon sa
pamilya at kapwa. Tayo lang ang magiging dahilan upang mapatatag ito. Gamitin
natin ang gadget sa magandang paraan hindi sa paraan ng pagsira.